๐๐๐ค๐๐๐ง๐ , ๐๐๐ฒ๐, ๐๐ญ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง: ๐๐๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฒ ๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฐ๐๐ข๐ญ
by: Jennifer Vasquez | August 18, 2025





๐๐๐ ๐ฐ๐๐ข๐ญ ๐๐ฎ๐ซ๐ข๐ ๐๐จ ๐๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ซ - Sa temang โBuwan ng ASEAN: Sama-sama sa Pag-unlad,โ ginanap ng North Eastern Mindanao State University (NEMSU) โ Cagwait Campus ang ASEAN Day 2025 sa 3-Storey Academic Building.
Nagsimula ang selebrasyon sa isang maikling programa na sinundan ng makulay na parada ng mga estudyante at guro na may dalang flaglets ng sampung bansang kasapi ng ASEAN bilang sagisag ng pagkakaisa at pagtutulungan.
Nagbigay ng pambungad na mensahe si Dr. Joezer S. Azon, Assistant Campus Director, kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagpapahalaga sa kultura, at aktibong partisipasyon ng mga estudyante sa pagdiriwang ng ASEAN Day.
Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ang Best ASEAN Costume Competition, kung saan nagbihis ang bawat departamento sa tradisyonal na kasuotan ng bansang kanilang kinatawan. Matapos nito, nagpakitang-gilas ang bawat taon at departamento sa kanilang mga cheer at yell na nagpasigla sa buong venue.
Bago ang pagsisimula ng iba pang kompetisyon, nagbigay ng inspirasyonal na mensahe si Dr. Rozette E. Mercado, OIC-Campus Director, na muling nagpaalala sa kahalagahan ng pagkakaisa, aktibong partisipasyon, at pagpapahalaga sa kultura at kasaysayan ng ASEAN.
Pagkatapos ng masiglang paligsahan, idineklara ang mga nagwagi sa Best ASEAN Costume, na nagbigay ng dagdag na inspirasyon at sigla sa mga kalahok. Sumunod dito ang ibaโt ibang kompetisyon gaya ng mural painting, debate, at quiz bowl.
Bilang pagtatapos ng selebrasyon, nagbigay ng closing remarks si Sir Roque Quezada, MTTE, upang ipahayag ang pasasalamat sa lahat ng dumalo at naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang.
THEY HAVE CONQUERED THE BAR EXAMS!
Public Information Office | September 15, 2025
Training on Thesis/Dissertation Advising, Paneling, and Publication
Public Information Office | September 06, 2025
๐๐ฅ๐จ๐๐๐ฅ ๐๐จ๐ง๐ง๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ: ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐ฌ ๐๐๐ซ๐ญ๐ง๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ญ๐๐ ๐ ๐๐ญ๐. ๐ญ๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ฎ๐๐ฅ ๐๐๐ ๐๐ข๐ ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ค
Public Information Office | September 08, 2025
๐๐๐๐๐-๐๐ ๐ญ๐จ๐ฉ๐ฌ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ง ๐๐๐ฌ๐จ๐ฎ๐ซ๐๐ ๐๐ฑ๐๐ฆ๐ข๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง
Cherra Mae Mangguilimutan | September 05, 2025
๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐
Public Information Office | July 30, 2025